Search
  • DJA Gutierrez

MAKABAYAN BLOC (Bayan Muna, Gabriela, Anakbayan, Kabataan at iba pa) hindi sumipot sa Senate Hearing

Updated: Nov 7, 2020


Senate Hearing Nob.3,2020, Isiniwalat ng sinasabing dating myembro ng CPP NPA na si Jeffrey Celis o "Ka Eric" kung paano nanghihikayat ng mga miyembro sa mga eskwelahan at unibersidad ang mga sinasabing Legal Front kabilang dito ang mga partylist na nasa.Kongreso tulad ng Kabataan partylist at Bayan Muna na mga aktibista at kalayunan ay nahihikayat na maging isang ganap na NPA o New Peoples Army, sinasabing mga menor.de edad ang karaniwang nahihikayat dahil na din sa pinaglalaban nila na sa una ay simpleng isyu lamang tulad ng tuition fee hike, dagdag na sweldo


ng mga guro o kahirapan. Dahil sa mga ganitong isyu madaling nahihikayat na sumama ang mga estudyante at ayon kay Ka Eric saka na sila pipili ng kakausapin upang lalo pang lumalim sa pagiging aktibista at isasama na sa mga rally ng mga Legal front ang sino mang para sa kanila ay may potensyal, at habang lumalalim ang pagaaral tungkol sa komunismo ang iba ay nahihikayat na tumigil na sa pag aaral at mamundok doon ay nagging ganap.na silang NPA at inaarmasan. Dahil na din sa mga kabataan mas pinili ang mamundok at iniiwan ang pag aaral at kanilang magulang, dito na din nabuo ang HANDS OFF OUR CHILDREN isang samahan ng mga magulang na hanggang sa ngayon ay nananawagan na.isauli ang kanilang mga anak na nahikayat mamundok at sana raw ay matigil na ang panghihikayat sa mga kabataan gamit ang mga grupong aktibista o.mga Legal Front.


Nanghinayang naman si Sen. Panfilo Lacson at Sen. Tito Sotto na mas pinili ng mga Party List na tinaguriang MAKABAYANG BLOC na hindi dumalo sa Senate Hearing na iyon , upang sana ay mapagtanggol o mapasinungingan nila ang mga akusasyon laban sa kanila, na ayon kay Ka Eric na sila ay nanghihikayat ng kabataan upang sumanib sa New Peoples Army.

Hindi rin pinalagpas ni Sen.Tito Sotto at tinanong kung totoong nangyayari ang mga pangagahasa o mananamantala.sa mga.bagong recruit na kabataan na maging NPA tulad ng isang sumbong ng isang 17yrs old na sya raw ay pinagsamantalahan ng isang NPA commander. Ayon kay Ka Eric at iba pang dating NPA.tulad ni Ka Amihan na oo madalas naangyayari ang mga ganung bagay sa mga bagong miyembro.

. Isa pa sa mga napagusapan ay ang pangingikil sa mga negosyante tulad na lamang sa dalawang telecom na Smart at Globe na umaabot daw sa P300M sa kabuuan ang nakokolekta ng NPA kada taon bukod pa sa mga proyekto ng gobyerno na bago magawa ay kinkailangan may patong para sa NPA.


Sinabi ni Sen.Lacson na magkakaroon pa ng mga susunod na pagdinig ukol dito ngunit hindi alam kung kelan, magpapa abiso na lamang daw ang Senado para sa mga imbitadong personalidad. ANTABAYANAN

4 views0 comments

Recent Posts

See All